Lalo pang hinigpitan ang seguridad sa ilang lungsod sa Mindanao kasunod ng pagkamatay ng Maute patriarch na si Cayamora Maute.
Ito’y dahil sa posibleng retaliatory attack ng mga supporter ng Maute brothers.
Ayon kay Lt. Col. Erwin Bernard Neri, commander ng Task Force Davao, masusing iniinspeksyon ang mga motor mapa-pribado o pampublikong sasakyan sa Davao City.
Maliban dito, nasa extreme alert pa rin ang Iligan City.
By Meann Tanbio