Nakahanda na ang Philippine National Police (PNP) para sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand Bongbong Marcos Jr., sa Hunyo 30.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni PNP Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo na nakahanda na silang iprisinta ang security coverage at preparasyon para sa oath-taking ni Marcos.
Mayroon din aniyang binuong task force para dito, gayundin ang security task force sa Davao para naman sa inagurasyon ni Vice President-elect Sara Duterte-Carpio.
Kahapon inanunsyo ng kampo ni Marcos na ang National Museum of the Philippines sa Maynila ang pagdarausan ng panunumpa ni BBM bilang ika-17 pangulo ng Pilipinas.
Nananawagan naman ng kooperasyon at pang-unawa si Farjardo mula sa publiko para na rin sa kaligtasan at seguridad ng bawat isa.