Tiniyak ng Vatican at Archdiocese of Cebu na nailatag na ng Philippine National Police ang lahat ng kailangan upang matiyak ang seguridad ng mga pilgrim na dadalo sa 51st International Eucharistic Congress.
Ayon kay Cebu Auxiliary Bishop Dennis Villarojo, Secretary-General ng IEC., simula pa noong isang linggo naka-heightened alert ang mga otoridad o matapos ang terrorist attack sa Jakarta, Indonesia.
Nasa 13,000 ang nagpa-rehistro para sa IEC bukod pa sa tinatayang 15,000 delegado mula sa mahigit 70 bansa.
Sisimulan ang aktibidad sa pamamagitan ng isang high mass sa plaza independencia sa pangunguna ng kinatawan ni Pope Francis na si Cardinal Charles Maung Bo ng Myanmar at iba pang Vatican Official.
By: Drew Nacino