Tiniyak ni dating Philippine National Police (PNP) Region-7 Director C/Supt. Prudencio “Tom” Bañas na hindi maaapektuhan ang seguridad sa darating na International Eucharistic Congress (IEC) at Sinulog 2016 sa kanyang pag-alis sa puwesto.
Ayon kay Bañas, magpapatuloy pa rin ang mahigpit na security plan sa malalaking event sa Cebu.
Nagpadala na ang Archdiocese of Cebu ng letter request sa Office of the President na nag-request na katulad sa seguridad na ibinigay sa APEC leaders summit ang ipatupad din sa lalawigan ng Cebu para sa IEC 2016.
Malaki ang tiwala ni Bañas na makakayanan nang susunod na director ang pagsiguro sa seguridad sa mga delegado ng IEC at mga deboto para sa Sinulog 2016.
By Mariboy Ysibido