Hinigpitan pa ng pamunuan ng Kalibo International Airport ang kanilang seguridad kasabay nang pagdagsa ng mga turista sa isla ng Boracay ngayong summer season.
Sinabi ni Kalibo Airport Manager Efren Nagrama na matapos ang Semana Santa ay unti-unti na namang nararamdaman ang pagdami ng mga pasahero na karamihan ay papuntang isla para sa taunang beach party na La Boracay na ginaganap tuwing huling weekend ng Abril o sa taong ito ay ngayong parating na weekend na.
Kaugnay ng La Boracay, tiniyak ng DOT o Department of Tourism – Boracay na all set na ang kanilang paghahanda sa nasabing Boracay event.
Ito ayon kay DOT-Boracay Officer-in-Charge Kristoffer Leo Vellete ay bagamat pahirapan na ang pagkuha ng hotel rooms dahil karamihan sa mga hotels at resorts sa isla ay fully booked na lalo na sa beach front.
By Judith Larino