Pinatitiyak ni Senate Minority Leader Ralph Recto sa pamahalaan ang seguridad ng mga turistang Koreano.
Sinabi ito ni Recto matapos pumalo sa 5.967 milyon ang bilang ng mga turistang Koreano nitong nakaraang taon.
Sinabi ni Recto na pinili pa rin ng mga Koreanong bumisita dito sa Pilipinas kahit nakakaranas ng panggigipit ang ilan sa kanila.
Maliban sa pagkakaroon ng direktang ugnayan sa pagitan ng Philippine National Police at ng Embahada ng Korea, iminunghaki rin ni Recto ang pagkakaroon ng isang 24-hour hotline sa Crame na mamandohan ng isang marunong magsalita ng Koreano.
By Katrina Valle