Pinaigting na ng Philippine National Police ang seguridad sa lahat ng kanilang pasilidad at unit bilang paghahanda sa posibleng pag-atake ng mga rebeldeng komunista matapos maunsyami muli ang peace talks ng gobyerno at National Democratic Front.
Ayon P.N.P. Spokesman, Senior Supt. Benigno Durana Junior, inatasan na ang lahat ng police unit na mahigpit na ipatutupad ang security procedures at standard operational procedures sa lahat ng administrative at operational movement ng mga tropa at personnel.
Inatasan din anya ni PNP Chief, Dir. Gen. Oscar Albayalde ang lahat ng mga pulis na maging maingat sa kanilang mga galaw mula sa bahay hanggang sa trabaho.
Nanganganib na tuluyang matuldukan ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at NDF-CPP-NPA matapos suspendihin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang formal talks sa Oslo, Norway, noong June 28.