Dinoble ng AFP o Armed Forces of the Philippines ang seguridad sa Libingan ng mga Bayani ngayong araw na ito.
Kaugnay ito sa pagdiriwang ng ika-100 ng dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Ayon sa AFP, nagdagdag na sila ng mga pulis, sundalo, bumbero at maging mga ambulansya bilang bahagi ng seguridad dahil sa pagdagsa ng mga pro at anti-Marcos groups.
Halos madaling araw nang dumating sa LNMB ang mga loyalista mula Isabela at Laguna chapter ng FIRM o Friends of Imelda Marcos.
Kabilang naman ang mga grupong CARMMA o Campaign Against the Return of the Marcoses to MALACAÑANG, SELDA o Samahan ng mga Ex-detainees Laban sa Detensyon at Aresto at Block Marcos sa mga humaharang sa LNMB.
Magugunitang idineklarang special non-working holiday ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Ilocos Norte ngayong araw na ito dahil sa kaarawan ng dating Pangulong Marcos.
—-