Nagsimula nang maghigpit ng seguridad ang pamunuan ng Philippine Army na siyang namamahala sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig.
Ayon kay Col. Benjamin Hao, tagapagsalita ng Army, hindi na basta-basta makapapasok sa loob ng Libingan mula nang may nag-vandalize sa isang bahagi nito noong Agosto.
Maliban na lamang kung kaanak o kaibigan ng nakahimlay basta’t mayroon itong request letter mula sa pamunuan ng Himlayan at kinakailangan ding ipaliwanag ang pakay sa pagpasok.
Kasunod nito, tumanggi munang mag-detalye si Hao hinggil sa kung paanong seguridad ang kanilang ipatutupad sa Libingan ng mga Bayani sa mismong araw ng paghihimlay doon kay dating Pangulong Ferdinand Marcos.
By Jaymark Dagala | Jonathan Andal (Patrol 31)