Tiniyak ng AFP o Armed Forces of the Philippines ang seguridad sa paglarga ng rehabilitasyon sa Marawi City matapos ang limang buwang bakbakan sa pagitan ng militar at ng teroristang maute group.
Ayon kay Col. Manny Garcia ng AFP Civil Relations Service, marami pa ring tropa ng pamahalaan ang nagbabantay sa dating main battle area kahit marami na sa kanilang mga kasamahan ang lumisan na sa lungsod.
Bagama’t may mga naririnig pa ring putukan at pagsabog sa lugar, sinabi ni Garcia na hindi na iyon epekto ng engkuwentro kung hindi posibleng may mga dinisipose na mga I.E.D o Improvised Explosive Device na hindi sumabog.
Batay sa tala ng AFP, aabot sa mahigit 2,000 na mga bomba ang nakuha ng militar mula nang sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng magkalabang puwersa.