Puspusan na ang paghahanda ng NCRPO o National Capital Region Police Office para sa ASEAN Summit ngayong taon.
Ayon kay NCRPO Chief Director Oscar Albayalde, 18,000 pulis ang kanilang ipakakalat sa Metro Manila kabilang na ang karagdagang puwersa mula sa Region 1, 3 at Calabarzon.
Pangunahing babantayan ng mga pulis ang mga hotel na tutuluyan ng sampung heads of state, mga delegado gayundin ang kanilang ruta at ang PICC kung saan gagawin ang mga pagpupulong.
Kasunod nito, nilinaw din ni Albayalde na hindi isasara ang mga kalsada sa Metro Manila maliban sa paligid ng PICC sa kasagsagan ng ASEAN summit batay na rin sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.
By: Jaymark Dagala