Ipinadodoble ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang seguridad sa lahat ng bilangguan sa bansa ngayong Pasko at Bagong Taon.
Inatasan ni DILG Secretary Mike Sueno ang BJMP o Bureau of Jail Management and Penology na tiyaking hindi masasamantala ng mga preso ang kaabalahan ng publiko ngayong Pasko at Bagong Taon.
Sa harap ito ng pagkakatakas sa selda ang isang bilanggo ng New Bilibid Prison na naging dahilan para magkaroon ng temporary lockdown sa NBP.
Bukod dito nais rin ni Sueno na higpitan ang mga panuntunan sa mga dalaw sa bilangguan gayundin ang pagpapatuloy ng Oplan Galugad kahit ngayong holiday season.
By Len Aguirre | Jonathan Andal (Patrol 31)