Hinigpitan na ng Pilipinas ang pagbabantay sa mga border sa gitna ng patuloy na pagsirit ng COVID-19 cases sa Indonesia.
Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Brigido Dulay, nakatutok na ang Philippine Coast Guard at Philippine Navy sa pagbabantay partikular sa Tawi-Tawi, General Santos at Davao Cities.
Sa GenSan, minomonitor na ng Maritime Police Region 12 ang Sarangani Bay na isa sa mga rutang dinaraanan ng mga barko mula Indonesia patungong Pilipinas.
Inalerto na rin ng Department of Health ang Bureau of Quarantine upang ipatupad ang mas mahigpit na health protocols para sa mga cargo vessel mula Indonesia.
Mahigpit na health protocol din ang ipatutupad ng BOQ para sa mga Overseas Filipino Workers na i-re-repatriate mula Indonesia. —sa panulat ni Drew Nacino