Hinikayat ng Volunteers Against Crime and Corruption o VACC ang mga awtoridad na bantayan ding mabuti ang mga pantalan at paliparan.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni VACC President Boy Evangelista na batay sa kanilang listahan ay may mga nadudukot na biktima sa Luzon at dinadala sa Visayas at Mindanao.
Ayon kay Evangelista, ang problema ay may umiiral na Commission on Elections gun ban kaya’t hindi napoprotektahan ng mga mamamayan ang kanilang mga sarili.
Giit pa ni Evangelista, dapat ding tutukan ng pulisya ang pagbabantay sa mga crime advocates at gayundin sa mga negosyante.
“Sila nga yung nagiging soft target because yung mga security nila ni-recall. Since may total gun ban hindi mo rin mapo-proteksyunan ang sarili mo.” paliwanag ni Evangelista
By: Jelbert Perdez