Pina-igting pa ng Philippine Coastguard ang seguridad sa mga pantalan at ferry terminals ngayong Semana Santa.
Inatasan ni Coastguard Officer in Charge Commodore Joel Garcia ang lahat ng coast guard units sa implementasyon ng mahigpit na pagbabantay dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa mga panahong ito.
Ipinabatid ni Garcia na itataas nila ang alert status mula April 5 hangggang April 20.
Magtatalaga ang coastguard ng ship inspectors at K-9 team para magbusisi sa mga bagaheng ikakarga sa mga barko.
Bukod dito, magtatayo rin ng passengers assistance center booths sa mga pantalan sa buong bansa katuwang ang Department of Transportation (DOT), Philippine Ports Authority, PCG Auxilliary, Maritime Industry Authority at PNP o Philippine National Police.
Kasama rin sa mga nasabing booth ang medical team ng coastguard.
Kasabay nito, pinayuhan ng coastguard ang publiko na magtungo na sa mga pantalan tatlong oras bago pa ang alis ng kanilang mga barko.
By Judith Larino