Hihigpitan pa ng mga awtoridad ang pagbabantay sa mga nais na bumisita sa Manila North at South Cemetery para masigurong masusunod ang mga safety protocols kontra COVID-19.
Ito’y alinsunod sa direktiba ni Manila Mayor Isko Moreno, na lalo pang higpitan ang seguridad mula sa Huwebes, Oktubre 15 hanggang Nobyembre 4 dahil sa inaasahang dagsa ng mga bibisita sa puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay.
Pakiusap ni Moreno, mas makabubuting bumisita na nang maaga para hindi na makisabay pa sa dagsa ng mga nais na makabisita sa sementeryo.
Kasunod nito, inaasahan ding magtatalaga ang Manila Police District (MPD) ng kanilang mga tauhan para tumao sa nabanggit na sementeryo at mabisang maipatupad ang health protocols laban sa banta ng nakamamatay na virus.