Mahigpit ang direktiba ni Pangulong Benigno Aquino III sa Philippine National Police na lalo pang paigtingin ang seguridad sa mga urban center.
Ayon kay PNP Chief Director General Ricardo Marquez, ito ang pangunahing laman ng security cluster meeting na ipinatawag ng Pangulong Aquino, kasama ang ibat i’bang security agency sa bansa.
Simula anya nang mangyari ang Brussels bombing, sunud-sunod na ang paalala ng Presidente na gawing mahigpit ang seguridad sa mga matataong lugar lalo na sa Metro Manila.
Bukod dito, sinabi ni Marquez na napag-usapan din sa meeting ang seguridad para sa eleksyon.
Bagamat hindi na binanggit ng PNP Chief ang detalye ng security structure sa May 9 elections, sinabi naman nito na buong pwersa ng gobyerno ang nagtutulong-tulong para masiguro ang ligtas, payapa at patas na botohan.
By Meann Tanbio | Jonathan Andal (Patrol 31)