Mahigpit pa ring nakaalerto ng Philippine National Police (PNP) sa Mindanao.
Ito ay sa kabila ng matagumpay at mapayapang pagdaraos ng plebisito para sa Bangsamoro Organic Law noong Lunes.
Sa panayam ng DWIZ, may isasagawa pang plebisito sa Pebrero 6 sa bahagi ng Lanao del Norte at North Cotabato kaya’t patuloy aniya ang kanilang pagbabantay para sa isasagawa pang botohan.
“Ang dati nating mga minamanmanang security threats ay hindi natin ipinagsasawalang-bahala, kahit sino, aling grupo dapat lahat ‘yan manmanan natin.” Ani Banac
Matapos naman plebisito para sa BOL, sinabi ni Banac na susunod namang paghahandaan ng Pambansang Pulisya ang idaraos na halalan sa Mayo.
“Kailangan maging patuloy na handa ang ating Kapulisan sa pagpapanatili ng peace and order.” Pahayag ni Banac
(Balitang Todong Lakas Interview)