Mas hinigpitan pa ang seguridad na ipinatutupad ngayon sa Ninoy Aquino International Airport at Metro Rail Transit o MRT-3 bunsod ng nangyaring pag-atake sa Resorts World Manila.
Ayon kay MIAA o Manila International Airport Authority General Manager Ed Monreal, kasalukuyang naka-heightened alert na ang mga security personnel ng paliparan.
Humingi din ng paumanhin si Monreal sa mga biyahero kaugnay ng bahagyang pagkakaantala dahil sa inilalatag na seguridad sa NAIA.
Samantala, karagdagang security guards, sundalo at K-9 units naman ang idineploy sa MRT-3.
By Ralph Obina
Seguridad sa NAIA at MRT mas hinigpitan was last modified: June 3rd, 2017 by DWIZ 882