Ipinatutupad na ngayon ang pinakamataas na antas ng seguridad sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA.
Ito ay kasunod ng nangyaring pamamaril at panununog sa Resorts World Manila sa Pasay City.
Samantala, humingi naman ng paumanhin ang Cebu Pacific sa mga na-delay nilang flight dahil sa insidente.
Una nang kinalma ni Philippine National Police o PNP Chief Director General Ronald dela Rosa ang publiko at sinabing hindi maaaring ituring na terror attack ang insidente.
Aniya, mas malamang na pagnanakaw at pagkatalo sa sugal ang siyang motibo ng naging pag-atake ng isang gunman na sa huli ay sinunog ang sarili sa loob ng isang kuwarto sa hotel.
Sa gitna ng pangyayari, pinayuhan ni Dela Rosa ang publiko na maging kalmado at alerto.
Port security
Samantala, mahigpit ang ipinatutupad na seguridad ngayon sa lahat ng pantalan sa Cebu.
Ito ay dahil sa pangamba na lumipat at makapasok ng Visayas ang mga teroristang naghahasik ng karahasan sa Mindanao.
Ayon kay Cebu Governor Hilario Davide III, kanilang sineseryoso ang babala ng Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa posibilidad ng pagkalat ng Maute Group.
Batay sa report, ilang residenteng naiipit sa kaguluhan sa Marawi City ang naglalayag patungong Cebu City.
By Ralph Obina
Seguridad sa NAIA itinaas sa pinakamataas na antas was last modified: June 2nd, 2017 by DWIZ 882