Handa na ang latag ng seguridad ng Philippine National Police (PNP) para tiyaking magiging ligtas at mapayapa ang darating na kampanya simula Martes, Pebrero 8.
Ayon kay PNP Chief P/Gen. Dionardo Carlos, may ibibigay silang standard security package sa mga kanidato
Para matiyak na mananatilig apolitical, ma-ingat anya sila sa pagbibigay ng security detail at mananatili lang ang mga pulis sa campaign activity at pagkatapos ay aalis na rin sila
Paliwanag pa ni Carlos, susunod sila sa COMELEC resolution bilang deputized agency ng Poll Body katuwang ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Coast Guard
Samantala, kanya namang sinabi na magkakaroon muli sila ng pulong sa COMELEC para sa final instructions sa gagawin ng mga pulis sa eleksyon