Tiniyak ng pamahalaan ang pagbibigay seguridad sa may 800 estudyante ng MSU o Mindanao State University na magbabalik eskwela bukas, Agosto 22.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesman Brigadier General Restituto Padilla, ligtas ang mga magbabalik eskwelang estudyante dahil malayo ang MSU sa sentro ng bakbakan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at Maute terror group.
Dagdag ni Padilla, magtutuloy-tuloy ang kanilang pagbibigay seguridad sa mga mag – aaral ng MSU hanggang matiyak na wala nang kahit isang natitirang terorista sa Marawi City.
Umaasa rin si Padilla na sa tulong ng local government units (LGU’s) ay unti-unting manunumbalik sa normal ang buhay ng estudyante at ng buong MSU community na nagulo matapos ang pagkubkob ng Maute terror group sa Marawi City.