Kasado na ang preparasyon para sa pagdating ngayon sa bansa ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe.
Magkakaroon ng welcome ceremony sa palace ground para sa Punong Ministro pagdating nito sa Malacañang dakong alas-3:30 ng hapon.
Susundan ito ng pulong nila ng Pangulong Rodrigo Duterte at lagdaan ng mga kasunduan.
Ang pulong ng pangulo at ni Abe ay susundan ng pakikipagharap nila sa mga business delegates.
Isang masaganang hapunan rin ang inihanda ng Malacañang para sa Japanese Prime Minister.
Davao City
Samantala, walang namomonitor ang pamahalaan na anumang banta ng terorismo sa pagbisita sa bansa ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe.
Ayon kay Senior Inspector Catherine dela Rey, tagapagsalita ng Davao City Police Office, base ito sa monitoring ng counter-terrorism experts.
Sa pagdating sa bansa ni Abe, inaasahang bibisitahin nito ang tahanan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lungsod ng Davao at ang Japanese Language School na Mindanao Kokusai Daigaku.
Samantala, sinabi pa ni Dela Rey na walang indikasyon na may posibleng pag-atake sa launching ng ASEAN 2017 Philippine Chairmanship sa darating na Linggo, Enero 15 na gaganapin sa SMX Convention Hall sa SM Lanang.
By Len Aguirre | Meann Tanbio | Aileen Taliping (Patrol 23)