Kasado na ang ipatutupad na seguridad na MPD o Manila Police District sa pagdiriwang ng Eid’l Ftr o pagtatapos ng Ramadan sa Lunes.
Sa press briefing sa Kampo Krame sinabi ni MPD Spokesman Superintendent Edwin Margarejo, madaling araw pa lamang ay kanila nang ide-deploy ang nasa limang daang (500) pulis.
Kanilang tututukan ang Quirino Grand Stand at Golden Mosque sa Quiapo kung saan isinasagawa ang malaking magtitipon ng mga Muslim.
Tiniyak ni Margarejo na nakahanda sila mga posibleng mangyari sa pagdiriwang ng Eid’l Ftr, bagamat wala naman aniya silang natatanggap na banta sa seguridad.
By Krista De Dios | With Report from Jonathan Andal