Ikinakasa na ng Quezon City Police District (QCPD) ang seguridad nito sa pagsisimula ng Simbang Gabi sa December 16.
Ipinabatid ni QCPD Director Senior Supt. Guillermo Eleazar na mahigpit na babantayan ng halos 1,000 pulis ang 25 simbahan sa lungsod.
Bukod dito, sinabi ni Eleazar na patuloy din ang pagtiyak nila sa seguridad sa mga mall, bus terminals, MRT, LRT at iba pang vital installations sa Quezon City.
Gagamitin nila aniya sa pagpapairal ng police visibility ngayong Kapaskuhan ang halos 50 bagong mobile patrol cars na ibibigay ng Quezon City government.
By Judith Larino