Kasado na ang ipapatupad na seguridad sa senado para sa pagtanggap ng Certificate of Canvass (COC) at Election Returns (ERS).
Ayon kay Senate Secretary, Atty. Myra Villarica, tanging mga sasakyang may dalang COC At ERS ang papapasukin sa gusali ng senado.
Hindi anya maaaring magsabay-sabay ang pagpasok ng mga personnel dahil sa inilatag na holding area.
Ipatutupad naman ang No ID, No Entry sa senate premises.
Bukod sa 24/7 na live streaming, ipapakita sa led screen sa ikalawang palapag ng senate building ang status report nang dumarating na COCs.