Doble higpit na seguridad ang ipinatutupad ngayon sa lalawigan ng Palawan partikular na sa mga kilalang tourist spot sa lugar.
Sa Puerto Princesa City, naglatag na ang kanilang lokal na pamahalan ng contingency plan bilang pagtugon na rin sa inilabas na travel advisories ng iba’t ibang bansa.
Kasama sa nasabing plano ang pagbuo ng kanilang command center at hotline na maaaring tawagan ng mga residente sakaling makapasok na nga sa kanilang lugar ang mga hinihinalang terorista.
Inatasan din ng lokal na pamahalaan ang mga resort owners na ugaliing humingi ng ID o identification cards sa kanilang mga guest gayundin ang pagkuha ng impormasyon sa mga ito.
Ilan sa mga lugar na dinarayo ng mga turista ang Puerto Princesa Underground River gayundin ang mga beach resorts at mga isla sa bayan ng El Nido at Coron.
By: Jaymark Dagala