Pinaigting na ang seguridad sa paligid ng Lake Lanao upang matiyak na walang makapapasok o makalalabas na miyembro ng ISIS-Maute Group sa Marawi City, Lanao del Sur.
Nagsanib-puwersa ang Philippine National Police Maritime Command, Philippine Coastguard at Philippine Navy sa pagbabantay sa naturang lawa para sa Task Force Lawa.
Ikinukunsidera ang Lake Lanao bilang isang “traditional nautical highway” na ginagamit ng mga residente upang makabiyahe patungo sa iba’t ibang bayan sa Lanao del Sur.
Ginamit ang lawa ni Farhana Maute, ina ng mga terrorist leader na sina Omar at Abdullah at labinlimang (15) miyembro ng grupo bilang escape route bago masakote sa bayan ng Masiu.
By Drew Nacino
Seguridad sa paligid ng Lake Lanao hinigpitan na was last modified: July 12th, 2017 by DWIZ 882