Pinawi ng lokal na pamahalaan ng Naga City ang pangamba na may maghasik ng terorismo sa kapistahan ng Our Lady of Peñafrancia.
Ayon kay Naga City Mayor John Bongat, dinoble na nila ang seguridad para sa kapistahan ni Birheng Maria na dinarayo ng milyon katao.
Kada taon, sinabi ni Bongat na mayroon silang inter-agency task group na nangangalaga sa seguridad na kinabibilangan ng mga pulis, sundalo at iba pang kawani ng pamahalaan gayundin ng mga volunteers.
Bahagi ng pahayag ni Naga City Mayor John Bongat
“Wala naman yatang gagawa ng isang bagay na magsisira ng solemnidad ng isang major religious event na ito na isa po sa mga pinupuntahan ng mga deboto sa buong Pilipinas at maging galling sa ibang bansa. Lahat po pati mga hotels, lahat dinoble ang security para maging sigurado so okay naman po na pumunta sa aming lungsod.” Pahayag ni Bongat
Kalahating milyon katao ang inaasahang dadalo sa translacion bukas, araw ng Biyernes ng Our Lady of Peñafrancia.
Madodoble pa anya ito sa fluvial procession sa September 17, ang pagtatapos ng 9 na araw na novena para sa Birheng Maria.
At upang makatiyak sa seguridad, sinabi ni Mayor Bongat na hinihiling nila sa mga darayo sa kapistahan na iwasan munang magdala ng bag sa pagdalo nila sa fluvial parade.
Bahagi ng pahayag ni Naga City Mayor John Bongat
“Sana naman wala namang gumawa ng anuman na puwedeng ikasira ng napakahalagang religious feast na ito sa aming lungsod, the feast of Our Lady of Peñafrancia, this is celebrated all over the world, kahit saang parte ng mundo na may Bikolano sila po ay nagiipon-ipon.” Dagdag ni Bongat
By Len Aguirre | Ratsada Balita