All set na ang seguridad na ilalatag ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa idaraos na plebisito para sa Bangsamoro Organic Law (BOL).
Kahapon ay nag-inspeksyon si AFP Chief of Staff Benjamin Madrigal Jr. sa ilang lugar sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
Ayon kay Madrigal, handa na ang sampung libo at apatnaraang (10.400) mga sundalong i-de-deploy para masigurong magiging mapayapa ang plebisito sa rehiyon.
Ang naturang mga sundalo ay magiging katuwang naman ng higit anim na libong (6,000) mga pulis sa armm na magbabantay sa eleksyon.
Tututukan ng AFP at PNP ang higit 70 mga election watch list areas sa Mindanao.
Sumalang naman sa training ang isang libong (1,000) pulis sakaling kailangan para magsilbing board of election inspector.
Ilalarga ang plebisito para sa ratipikasyon ng BOL sa Lunes, Enero 21 sa ARMM, Cotabato City at Isabela City, Basilan habang sa Pebrero 6 naman sa Lanao del Norte at North Cotabato.
—-