Mahigpit ang ipatutupad na seguridad ng Manila Police District sa Quiapo, Manila partikular na sa islamic center sa pagsisimula ng Ramadan sa Mayo 26.
Ayon kay MPD Director Joel Coronel, posibleng madagdagan pa ang nauna nang ipinakalat na mahigit 400 pulis sa Quiapo matapos ang pambobomba sa lugar ngayong buwan.
Gayunman, sinabi ni Coronel na nakadepende ito sa intelligence reports na kanilang matatanggap sa napapalapit na pag-aayuno ng mga muslim na buwan ng Ramadan.
Siniguro rin ng opisyal na tuluy-tuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga muslim leaders.
By: Meann Tanbio