Dinoble na ng mga awtoridad ang pagpapatupad ng seguridad sa nalalapit na Rio Olympics na gaganapin ngayong Agosto.
Ayon sa Retired FBI Anti-Terror Expert na si Richard Ford, kanila nang dinoble ang bilang ng security forces sa mga pangunahing kalsada sa Brazil at naglagay na rin ng mga checkpoint malapit sa mga pagdarausan ng mga palaro sa Olympics.
Maliban dito, mahigpit na ring nakikipag-ugnayan aniya ang mga awtoridad sa Brazil sa foreign intelligence agencies upang hindi malusutan ng mga nagnanais na maghasik ng karahasan sa naturang prestihiyosong palaro sa buong mundo.
Samantala, kuntento naman ang delegasyon ng Pilipinas sa ibinibigay na seguridad sa Olympic Village sa Brazil.
Ayon sa Philippine Olympic Committee, tuluy-tuloy ang ginagawang pagroronda ng mga special forces ng Brazil kayat ligtas na ligtas anila ang kanilang pakiramdam doon.
By Ralph Obina
Photo Credit: Reuters