Iniimbestigahan na ng Brazil Intelligence Agency ang mga ulat na may banta sa Rio Olympic Games.
Ito’y makaraang magpahayag ng pakikipag-alyansa sa ISIS ang Brazilian Islamist Group na Ansar Al-Khilafah Brazil.
Ayon sa Intelligence Agency ng Brazil na Abin, binubusisi nila ngayon ang bawat namomonitor na banta laban sa pinakamalaking sporting event sa mundo.
Nakikipag-ugnayan din ang Brazil sa iba’t ibang bansa sa anumang posibleng banta ng pang-aatake kasabay ng Rio Olympics.
Pinangangambahan ng Brazil ang posibilidad ng lone wolf attacks.
Nasa 85,000 sundalo, pulis at iba pang security personnel ang ipapakalat ng Brazil sa Olympic Games sa Rio de Janeiro na magsisimula sa August 5.
By Mariboy Ysibido
Photo Credit: Reuters