Nagpulong na ang pamunuan ng Arzobispado de Manila at National Capital Region Police Office (NCRPO) kaugnay sa ikakasang seguridad sa paggunita ng Semana Santa.
Kabilang sa tinalakay nina Bishop Broderick Pabillo, New Apostolic Administrator, Archdiocese of Manila at NCRPO Chief Police Major General Debold Sinas, ay police visibility, seguridad sa mga simbahan at kapilya sa panahon ng misa tuwing Linggo.
Bukod pa ito sa security plan sa panahon ng Mahal na Araw, Regional Peace and Order Council at ang koordinasyon sa PNP.
Inaasahan naman ang mga susunod pang pulong sa magkabilang panig para mapalakas ang ugnayan ng simbahan at pulisya at makabalangkas ng mga programang magsisilbing daan upang mapabuti ang mga pulis.