Nagpapatupad ng mahigpit na seguridad ang mga awtoridad sa Singapore, apat na araw bago ang summit meeting nina US President Donald Trump at North Korean Leader Kim Jong Un.
Kasunod na rin ito nang pagkakaaresto ng dalawang South Korean reporters na nagpumilit pumasok sa kinaroroonan ng North Korean Ambassador.
Inaasahang aabot sa mahigit tatlong libong (3,000) media men sa buong mundo ang magko-cover sa makasaysayang summit.
Ngayong araw na ito ay inaasahang nakabiyahe na ang mga matataas na opisyal ng dalawang bansa pa Singapore bilang bahagi pa rin ng paghahanda sa summit.
Kabilang dito si dating NBA star Dennis Rodman na kilalang malapit kay Kim.
—-