Tuloy-tuloy ang paghahanda ng National Capital Region Police Office o NCRPO para sa nalalapit na State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 23.
Ayon kay NCRPO Director Chief Superintendent Guillermo Eleazar, asahan na ang mahigpit at maayos na seguridad sa araw ng SONA.
Tiniyak nito na ginagawa nila ang lahat upang siguruhing magiging matiwasay ang SONA ng Pangulo.
“May series of conferences, coordinating meetings with other concerned units and agencies that will be part of the preparation as well as the stakeholders ay tuloy-tuloy po nating ginagawa. Ang hangarin natin dito ay magkaroon tayo ng magandang koordinasyon pati na rin sa leaders ng mga grupong lalahok at magkakaroon ng programa dito sa incoming SONA.” Pahayag ni Albayalde
Pagtutok sa mga loose firearms
Samantala, tiniyak ng Pambansang Pulisya ang pagtutok sa mga loose firearms.
Ito ay kasunod ng mga nangyayaring pagpatay sa mga lokal na opisyal na iniuugnay din sa paglaganap ng loose firearms na gamit ng mga gun for hire groups.
Ayon kay NCRPO Director Chief Superintendent Guillermo Eleazar, pinaigting na nila ang kanilang checkpoint operation na layong maiwasan ang paglaganap ng mga krimen.
“By doing so may mga nakukumpiska rin tayong mga kontrabando like itong baril pati na droga. Nagsasagawa tayo ng pagbibigay ng search warrant para sa illegal possession of firearms, dati na nating ginagawa ito pero may effort tayo na paigtingin ito para sa crime prevention para maiwasan ang anumang karahasan at mga pagpaslang.” Pahayag ni Eleazar
(Balitang Todong Lakas Interview)