Nangako si Turkish Prime Minister Ahmet Davutoglu na hihigpitan pa ang seguridad sa Syrian Border matapos ang naganap na pag-atake sa bayan ng Suruc na ikinasawi ng halos 30 katao at ikinasugat ng mahigit 100 katao.
Tiniyak ng Punong Ministro na gagawin nila ang mga nararapat na hakbang laban sa Islamic State of Iraq and Syria o ISIS na itinuturong nasa likod ng naturang karahasan.
Iginiit din ng opisyal dapat mapanagot ang mga taong nasa likod ng terorismo.
By Ralph Obina