Tinatayang isanlibong tauhan ng Manila Police District ang idineploy upang magbigay seguridad sa mga aktibidad para sa Lakbayon Festival bilang bahagi ng pista ng Santo Niño De Tondo, simula ngayong araw hanggang bukas.
Ayon kay MPD Spokesman, Supt. Erwin Margarejo, nagpatupad na sila ng liquor ban hindi lamang para sa mga residente kundi para na rin sa mga pulis, simula alas 6:00 kagabi hanggang alas 6:00 ng umaga bukas sa buong tondo.
Ito, anya, ay upang maiwasan ang mga untoward incidents na kadalasang sanhi ng mga lasing na pulis at residente.
Gayunman, hindi anya saklaw ng liquor ban ang mga naka-duty na police officer kaya’t pinapayuhan ang mga pulis na off-duty na umiwas muna sa mga inuman.