Mahigpit na seguridad ang ipatutupad sa Victory Party ni Incoming President Rodrigo Duterte na gaganapin sa Davao City sa June 4.
Ang nasabing pagdiriwang ay tatawaging “DU31: One love, One nation”.
Aabot sa Apat na Libo at Limang Daang security personnel ang ide-deploy sa loob at paligid ng Crocodile Park Complex na siyang venue ng naturang event.
Tinatayang Tatlong Daang libong supporters ang inaasahang dadalo sa Victory Party ni Duterte.
By: Meann Tanbio