Patuloy na susuportahan ng gobyerno ang mga sektor na labis na apektado ng inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Ayon sa National Economic and Development Authority o NEDA, ito’y sa pamamagitan ng ayuda gaya ng conditional cash transfer at fuel subsidy na bahagi ng malawakang tugon dito ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Napag-alaman na kabilang ito sa mga programa para labanan ang mga hamong dala ng pabago-bagong klima at upang mas maparami ang suplay ng pagkain.
Magugunitang naitala sa 7.7% ang inflation nitong Oktubre ngayon o mas mataas ng 0.8% kaysa noong Setyembre.