Labis na napabayaan ang sektor ng agrikultura sa ilalim ng administrasyong Aquino.
Binigyang diin ito ni Philippine Chamber of Commerce and Industry Honorary Chairman Donald Dee, na mahalagang tulungan ang sektor ng agrikultura dahil 40 porsyento ng mahihirap ay nasa sektor na ito.
Sinabi ni Dee na makabubuting tugunan ang problema ng mga magsasaka, kabilang na ang halaga na kanilang ginagastos sa pagta-transport ng kanilang mga produkto.
“Disaster po ito, dahil ito ang pinakamababang growth rate in the past 10 years, napabayaan po at hindi binigyang tulong ang ating mga magsasaka, at wala pong programa.” Pahayag ni Dee.
By Katrina Valle | Karambola