Nakabawi ang sektor ng agrikultura sa unang bahagi ng taon matapos maitala ang 5.28 percent na paglago kumpara sa negatibo noong nakalipas na taon.
Sa tala ng Philippine Statistics Authority o PSA umakyat ng 8.79 percent ang lahat ng sektor sa agrikultura katumbas ng 407.6 billion peso na paglago ng produksyon.
Ang produksyon ng palay sa unang bahagi ng taon ay umabot sa 4.42 million metric tons o 8.28 percent; mais, 2.37 million metric tons o 23.44 percent.
Lumago rin ang livestock at nakapagtala ng 3.22 percent growth rate; poultry, 1.88 percent at pangisdaan, 0.73 percent.
Naniniwala si Agriculture Secretary Emmanuel Piñol na pangunahing dahilan ng paglago ng produksyon ng agrikultura ay ang magandang panahon at magandang kondisyon ng sektor ng pagsasaka.
By Drew Nacino
Sektor ng agrikultura lumago sa unang bahagi ng taon was last modified: May 16th, 2017 by DWIZ 882