Mayroon pang pag-asa ang mga magsasaka at mamimili kaugnay sa gagawin ng papasok na administrasyon sa sektor ng agrikultura.
Ito ang sinabi ni Pork Producers Federation of the Philippines Incorporated, Vice President Nick Briones sa gitna ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Iginiit pa niya na walang ibang ginawa ang kasalukuyang administrasyon kundi mag-angkat ng mga produkto mula sa ibang bansa para mapababa ang presyo ng mga bilihin pero mas lalo pa itong tumaas.
Sa ngayon aniya, umaabot na sa 390 pesos hanggang 420 pesos ang kada kilo ng karneng baboy mula sa 220 pesos kada kilo bago maupo si Agriculture Secretary William Dar.
Nasa 220 pesos kada kilo naman ang presyo ng manok na dati ay nasa 110 pesos hanggang 120 pesos kada kilo lamang.
Samantala, sinabi ni Briones na dapat magkaroon ng food security summit ang administrasyong Marcos para matugunan ang mga problema ng bansa.