Nahaharap ngayon sa krisis ang sektor ng agrikultura sa bansa.
Batay ito sa naging pag-aaral ng grupong IBON Foundation kung saan mas lumala pa anila ang sitwasyon makaraang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rice tariffication law.
Ayon sa IBON Foundation, mula 2016 hanggang 2018 aabot sa isa punto isang (1.1) milyong magsasaka ang nawalan ng trabaho.
Bumaba rin anila ang kontribusyon ng agriculture sector sa Gross Domestic Product (GDP) ng bansa sa 8.1 percent nitong 2018 mula sa 8.5 percent noong 2017.
Binigyang diin ng grupo, mas lalong babagsak ang sektor ng agrikultura na posibleng maging dahilan ng pagtigil na ng mga magsasaka kasunod na rin ng pag-alis na ng limitasyon sa pag-aangkat ng bigas.
—-