Dapat na paigtingin pa ng susunod na administrasyon ang sektor ng agrikultura sa bansa.
Ito ayon kay Incoming National Economic and Development Authority (NEDA) chief Arsenio Balisacan sa pamamagitan ng pananaliksik at hindi pagdepende sa pag-aangkat sa ibang bansa para maabot ang food security sa gitna ng banta ng krisis sa pagkain.
Paliwanag niya na hindi naiintindihan ng mga mambabatas na hindi pwedeng dumepende lamang sa pag-iimport dahil iba’t iba ang kilima, mga peste at lupa ng mga bansa.
Binigyang diin ni Balisacan na dapat palakasin ang research and development sa naturang sektor para magkaroon ng farm modern varieties at new species na babagay sa mga lokasyon.
Bukod dito, nais din niya na mapalakas ang manufacturing sector sa rural areas para sa development projects.