Sumigla ang sektor ng agrikultura sa bansa.
Ito ay batay sa datos ng Philippine Statistics Authority o PSA kung saan lumabas na sa huling bahagi ng 2017 ang 2.2 percent na pagtaas ay nagbunga ng 3.95 percent ng pag-angat sa buong taon dahil sa malakas na produksyon ng bigas.
Makikita rin sa datos na 51 percent sa kabuuang kinalabasan ng mga sakahan ay mula sa mga pananim, partikular na ang paglago ng produksyon ng palay na umabot sa 2.7 percent.
Sa kabuuan, lumago ang produksyon ng bigas ng 9.4 percent kung saan may katumbas na 19.28 million tons.
Nakatakdang ilabas ngayong linggo ang buong datos ng gross domestic product o GDP ng bansa para sa taong 2017.
—-