Aminado ang Department of Education (DepEd) na may kinakaharap na krisis ngayon ang Sektor ng Edukasyon.
Ayon kay Education Undersecretary Epimaco Densing III, ito ay ayon mismo kay Education secretary Sara Duterte.
Sinabi ito ni Densing nang tanungin siya ni Senador Loren Legarda hinggil sa mga hakbang na ginagawa ng Kagawaran para tugunan ang naturang hamon.
Nabanggit din ni Legarda ang tungkol sa 2019 Programme for International Student Assessment (PISA) kung saan nakapagtala ng mababang puntos ang Pilipinas sa reading comprehension, mathematical at scientific literacy.
Nabanggit naman ng Kalihim ng Edukasyon na kasama sa solusyon na naiisip nito ang pagbuo ng learning recovery at continuity plan.
Kabilang din ang profiling at clustering ng mga learners batay sa academic needs; expand learning time; pagsasagawa ng end of School Year o summer learning remediation intervention program sa mga hakbang na nais nilang gawin upang mas mapabuti ang pag-aaral ng mga estudyante. —sa panulat ni Hannah Oledan