Kumpyansa ang Domestic Electronics Industry na makukuha nito ang 10% growth sa exports ngayong taon.
Ito ay dahil sa malakas na demand sa semiconductor at mga input para sa digital products partikular sa Electronic Vehicles (EV).
Inihayag ni Ferdinand Ferrer, Chairman at CEO ng EMS Group of Companies na napalakas ng kakulangan sa microchips ang domestic electronic companies sa bansa.
Lumago sa 12.9% ang Philippine Electronics Exports noong 2021 kung saan naabot nito ang all time high na 45.92 billion dollars na mas mataas kumpara sa pre-pandemic exports na 43.3 billion dollars, hudyat ng muling pagkabuhay ng industriya.
Samantala, aniya, nakikipagtulungan na ang industriya sa gobyerno kung paano makakakuha ng marami pang investments na nangangailangan ng mas malaking incentives. – sa panulat ni Hannah Oledan