Nanawagan si Presidential Aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. Sa mga lider ng sektor ng palakasan na iwasan ang pulitika sa kanilang hanay dahil nakaka-apekto lamang ito sa pagsasanay ng mga atleta.
Ayon kay Marcos, nakasentro dapat sa kanilang pag-eensayo at pagpapalakas ang mga pinoy athlete dahil ito ang susi upang masungkit ang panalo ng bansa.
Ikinatuwa ni Bongbong magandang ipinakita ng mga atleta sa iba’t ibang paligsahan sa mundo sa kabila ng mabibigat na pagsubok na kinakaharap ng ating bansa.
Tiniyak din ng dating senador na kaniyang susuportahan ang mundo ng isports sakaling manalo sa darating na halalan kasama ang kanyang running-mate na si Davao Mayor Sara Duterte.
Umaasa si Bongbong na hindi na mauulit ang nangyari kay national team roster -top pole vaulter na si ernest john ‘ej’ obiena matapos mapag-desisyunan ng Philippine Athletic Track and Field Association (PATAFA) na tanggalan ito ng pondo.
Matatandaang inakusahan si Obiena ng PATAFA na hindi ginastos ng tama ang kanyang training allowance sa kabila ng mariing pagtanggi at paglalabas ng mga dokumento ni Obiena na hindi totoo ang paratang ng PATAFA.
Bukod pa diyan, maging ang coach ni Obiena na si Vitaly Petrov ay nagbigay at naglabas din ng testimonya ukol sa naturang isyu kung saan, idineklarang persona non grata ng Philippine Olympic Committee si PATAFA Pres. Philip Ella Juico dahil umano sa patuloy na pangha-harass nito kay obiena sa halip na suportahan ito.
Sinabi din ni marcos na magkakaroon lamang ng magandang performance ang mga atleta sa iba’t ibang kompetisyon sa mundo kung ipararamdam ng pamahalaan ang kanilang suporta at hindi iniipit sa pulitika.