Aminado ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na posibleng ikalugi ng sektor ng transportasyon ang mga ipatutupad na patakaran sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ).
Ayon kay LTFRB Technical Division Chief Joel Bolano, inaasahan na aniya ito dahil kalahati ng capacity ng bawat pumpublikong sasakyan ang mawawala.
Alinsunod aniya ito sa ipinalabas na guidelines ng Department of Transportation (DOTr) at inaprubahan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).
Gayunman sinabi Bolano na hindi napag-uusapan ng ahemsiya ang pagpapataw ng taas pasahe sa mga pampublikong transportasyon para maibsan ang posibleng pagkalugi ng mga drivers at operators.
Una nang ipinahayag ng DOTr ang planong pagbibigay ng araw-araw na fuel subsidy sa mga operator ng public utility vehicles (PUV) bilang bahagi ng kanilang recovery plan sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic